ITINAKDA ng Department of Education (DepEd) sa Hunyo hanggang Marso ang School Year 2025-2026.
Sa memorandum order na inilabas noong Abril 15, nakasaad rito na ang pasok ng mga mag-aaral ngayong taon ay magsisimula sa Hunyo 16, 2025 at matatapos sa Marso 31, 2026.
May kabuuan itong 197 na araw ng pasok kabilang na ang mga aktibidad para sa isang school year.
Ibig sabihin, nagtapos na ang transisyon mula sa mga nakaraang taon kung kailan nagsisimula ang klase sa Agosto.