Search and retrieval operations sa Masara landslide, tinapos na

Search and retrieval operations sa Masara landslide, tinapos na

ITINIGIL na ng lokal na pamahalaan ng Maco, Davao de Oro ang search and retrieval operations sa nangyaring landslides sa Brgy. Masara, Maco, Davao de Oro.

Alinsunod ito sa ipinalabas na executive order ni Maco Mayor Arthur Carlos Voltaire Rimando kamakailan, base na rin sa rekomendasyon ng incident management team matapos ang kanilang masusing ebalwasyon.

Matatandaang nangyari ang malagim na insidente noong Pebrero 6, 2024 dahil sa nararanasang tuluy-tuloy na pag-ulan kamakailan.

Sa pagtatapos ng operasyon, naitala ang 93 mga bangkay na narekober sa lugar habang walong katao ang nawawala.

Kaugnay rito, nagpaabot ng pasasalamat ang provincial government sa mga rescue team at nangako na tutulungan ang mga residente na apektado ng landslide.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble