Search warrant para mainspeksiyon ang Lucky South 99, kinakailangan

Search warrant para mainspeksiyon ang Lucky South 99, kinakailangan

PINABULAANAN ni Porac Mayor Jaime Capil na nagsagawa ng groundbreaking event sa Porac, Pampanga ang Lucky South 99 noong panahon ng pandemya.

Sa halip aniya ay nagpasama lang sa isang barangay ang mga taga-POGO para silipin ang lupain na pag-aaralan nilang tayuan ng bagong pasilidad.

Sa pahayag na ipinadala sa Department of Justice (DOJ) ay sinabi pa ni Mayor Capil na abala sila sa paghahatid ng tulong noong pandemya at ang area ng POGO ay mapapasok lamang sa pamamagitan ng Angeles City at walang daanan mula sa Porac kaya hindi nila nalaman kung may pagtatayo ng mga gusali doon.

Samantala, nilinaw ng alkalde na noong nagsagawa sila ng inspeksiyon kasama ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) noong 2023 sa Lucky South 99 ay hanggang sa security office lang sila dahil hindi sila pinapasok sa mismong POGO hub.

Iginiit ni Mayor Capil na kung paghahalughog ang gagawin sa loob mismo ng POGO hub ay search warrant na ang kailangan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble