Seatrade Cruise Asia 2024, isasagawa sa Pilipinas

Seatrade Cruise Asia 2024, isasagawa sa Pilipinas

ISASAGAWA sa Pilipinas ang Seatrade Cruise Asia 2024 sa layong mapalakas ang cruise tourism sa rehiyon.

Sa pangunguna ng Department of Tourism (DOT), gaganapin ang naturang event mula Nobyembre 11 hanggang 13, 2024, sa Shangri-La The Fort sa Taguig City.

Kasabay ng Seatrade Maritime Crew Connect Global, ang pagtitipon na ito ay hakbang ng DOT para maipakita ang komitment ng bansa na maging isang world-class cruise hub sa Asya.

Ipinunto ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na ang nasabing event ay isang patunay na handa at may kakayahan ang Pilipinas na manguna sa cruise tourism.

Dagdag pa ni Frasco na sa ganda ng mga tanawin sa bansa, ito ay isang perpektong destinasyon para sa mga internasyonal na cruise line at mga biyahero.

Dadaluhan ang Seatrade Cruise Asia ng higit sa 350 international delegates, kabilang ang mga cruise line executives, itinerary planners, port agents, at tourism authorities mula sa buong mundo.

Sa loob ng tatlong araw, ang mga delegado ay makikilahok sa networking sessions, learning forums, at mga diskusyon na naglalayong mapalago ang sustainable na pag-unlad at kolaborasyon sa industriya ng cruise.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter