Sec. Abalos, kinilala bilang “Nation Builder” ng isang kilalang magazine sa bansa

Sec. Abalos, kinilala bilang “Nation Builder” ng isang kilalang magazine sa bansa

KINILALA ang husay at dedikasyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Benjamin ‘Benhur’ C. Abalos, Jr. sa larangan ng paglilingkod.

Kinilala bilang “Nation Builder” ng isang tanyag na magazine na Rising Tigers Magazine.

Isa si Abalos sa mga itinampok sa nasabing isyu ng magazine ang mga tinaguriang ‘emerging leaders, nation-builders at captains from different industries’.

Ang mga ginawaran ng parangal ay mga taong may nagawang pagbabago sa komunidad at kontribusyon hindi lamang dahil sa tagumpay ng kanilang mga kompanya kundi ang matulungan ang mga mahihirap na mamamayan.

Bukod kay Abalos, 3 pang opisyal ng pamahalaan ang nakatanggap ng Nation Builder award—sina Department of Trade and Industry Sec. Alfredo Pascual, House Deputy Speaker Vincent Franco Frasco ng Cebu, at si Commission on Elections Chairman George Erwin Mojica Garcia.

Sina PBA Party-list Congresswoman Margarita Nograles at Budget Sec. Amenah Pangandaman naman ay kabilang sa mga Women of Substance awardees.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter