IPINAKIUSAP ng bagong talagang si Defense Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga opisyal ng Philippine Army sa kaniyang kauna-unahang pulong sa mga ito na alagaan ang kapakanan ng mga sundalo.
Bukod sa mga sundalo, pinaalalahanan din ni Galvez ang mga militar na huwag pabayaan ang buong organisasyon para maibigay ang maayos na serbisyo sa mamamayang Pilipino.
Kasama ni Galvez na nagtungo sa headquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio Taguig ay si AFP Chief of Staff General Andres Centino na mainit na sinalubong ng Commanding General na si LtGen. Romeo Brawner Jr.