NAGSULAT ng top secret letter si Queen Elizabeth II para sa mga mamamayan ng Sydney na hindi pwedeng buksan hanggang 2085.
Kinakailangan pang maghintay ng mga mamamayan ng Sydney ng 60 taon bago nila tuluyang mabasa ang laman ng secret letter na ginawa ni Queen Elizabeth.
Ang sulat ay sinulat ng Reyna noong Nobyembre taong 1986 at naka-address sa mga mamamayan ng Sydney.
Ang liham na ito ay naka-lock naman sa loob ng isang secured vault sa ibabaw ng Queen Victoria Building at hindi maaaring buksan hanggang taong 2085.
Walang sinuman kahit ang personal staff ng Reyna ang nakakaalam kung ano ang nakasulat sa liham.
Iniwan ito ng Reyna kasama ang special instruction na naka-address para sa Lord Mayor ng Sydney.
“On a suitable day to be selected by you in the year 2085 A.D, would you please open this envelope and convey to the citizens of sydney my message to them.”
Winakasan naman niya ito ng kanyang pirma na “Elizabeth R.”
Ang liham na ito ay isinulat nang ipagdiwang ng Australians ang muling pagkakuha sa Queen Victoria building taong 1986 na ipinangalan naman sa great grandmother ng Reyna.
Ayon naman kay Prime Minister Anthony Albanese, mayroong espesyal na lugar sa puso ng Reyna ang Australia dahil 16 na beses niya itong binisita sa kanyang 70 taong pag-upo sa trono.