Security breach issue sa Smartmatic, kumpirmado– Senator Imee

Security breach issue sa Smartmatic, kumpirmado– Senator Imee

KUMPIRMADO ang security breach issue sa Smartmatic ayon sa inihayag ni Senator Imee Marcos sa panayam ng SMNI News.

Ani Marcos, naglabas ng testigo ang National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes ukol sa posibleng security breach.

Bukod pa rito, sinabi ni Marcos na may affidavit na at on-going search warrant ang NBI hinggil dito.

“Talagang nagkaroon ng security breach ang ating mga suppliers sa Smartmatic. So, after two hearing na  dini-deny nila biglang natuklasan na may isang empleyado pala ng Smartmatic, a contructual employee na inuwi ‘yung kanyang issue na computer at dinownload lahat ng laman ng computer at binenta sa hindi malamang source na sinasabi at nakapost ito ngayon sa ating Facebook at dyan sa xsos,” pahayag ni Senator Marcos.

Umaasa naman si Sen. Marcos na magtuloy-tuloy ang imbestigasyon ng NBI, Cybercrime Investigation and Coordinating Center at National Privacy Commission hinggil dito.

Bukod pa rito, natuklasan din ni Marcos na walang maayos na betting process ang Smartmatic kung saan hinahayaan lamang na kahit contractual employee ay may access sa confidential data.

Ani Marcos, posibleng napasok na ang Smartmatic ng mga cyber criminal na pwedeng makasuhan.

Mabilisang galawan ng COMELEC, pinuna- Sen. Marcos

 Samantala ayon sa senadora, pinuna ng mga political party, ang mabilisang galawan ng Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa pag-iimprenta ng balota nang walang watchers.

Kabilang sa mga partido ang National Citizens’ Movement for Free Elections at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Magugunitang, aabot na sa 70% complete ang pag-iimprinta ng mga official ballots para sa 2022 general elections.

Dagdag pa ni Marcos, natapos na rin ng COMELEC ang mga SD cards ay na-congfigure na.

“Kaya nagpaumanhin sila, nag-sorry sila pero sabi ko eh kailangan mag-random testing, ano bang gagawin dyan?” ani Marcos.

Kaya naman sinabi ni Marcos na dapat ayusin na itong gusot na ito bago ang eleksyon sa Mayo.

Aniya, dapat buksan ang mga Voting Counting Machine at i-reconfigure ang mga SD cards sa harap ng mga tao.

Hinikayat naman ni Sen. Imee ang COMELEC na maging transparent upang magkaroon ng maayos na eleksyon.

 

Follow SMNI News on Twitter