BILANG bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa at SUMVAC 2025, nagsagawa ng malawakang site inspection at baywatch patrol ang mga tauhan ng Coast Guard District North Western Luzon (CGDNWLZN) sa iba’t ibang beach resorts at baybayin sa rehiyon noong ika-15 ng Abril.
Layunin ng inisyatibong ito na matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kahandaan ng mga pasilidad bago pa dumagsa ang mga bakasyunista ngayong Holy Week at summer break. Bahagi ito ng paghahanda upang maiwasan ang mga insidente sa dagat at maprotektahan ang kapakanan ng publiko.