Seguridad sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto, tiniyak ng PNP

Seguridad sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto, tiniyak ng PNP

MAGPAPAKALAT ang Philippine National Police (PNP) ng 11,000 tauhan para sa pagbubukas ng klase sa Agosto 29.

Ito ay upang matiyak ang seguridad ng mga magbabalik na estudyante at mga guro.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na maglalagay sila ng Police Assistance Desk sa mga paaralan upang mabilis na makatugon sa mga maiuulat na insidente.

Maliban dito, may mga pulis din na magsasagawa ng mobile at beat patrol.

Habang inatasan ang mga field commander na makipag-ugnayan sa pamunuan ng mga paaralan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble