KAHIT may alinlangan siya, nagpahayag ng suporta nitong Lunes si Sen. Alan Peter Cayetano para sa paglikha ng Bulacan Special Economic Zone and Freeport Act (BEZA).
Ito’y matapos ipasa ng Senado sa third reading ang Senate Bill No. 2572 o ang BEZA Bill noong Marso 18, 2024 na may 22 affirmative votes, zero negative votes, at zero abstentions.
Bumoto ng ‘yes’ si Cayetano sa panukala ngunit sinabi niyang magsusumite siya ng paliwanag sa kaniyang reserbasyon.
Noong nakaraang linggo, nakipagtalakayan si Cayetano kay Sen. Grace Poe, sponsor ng Bulacan Ecozone Bill, upang linawin ang ilang probisyon sa panukala.
Nangunguna sa kaniyang pagtatanong ay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng komprehensibong pag-aaral at cost-benefit analysis mula sa National Economic and Development Authority (NEDA).