Sen. Bato, magpapaputol ng leeg kung mapatunayang si VP Sara ang utak ng “Oplan Tokhang”

Sen. Bato, magpapaputol ng leeg kung mapatunayang si VP Sara ang utak ng “Oplan Tokhang”

HANDA si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na magpaputol ng leeg kung mapatunayan ni dating Davao Senior Police Officer Arturo Lascañas na si Vice President Sara Duterte ang utak ng “Oplan Tokhang” noong alkalde pa ito ng Davao City.

Ayon kay Dela Rosa, agad siyang magpapaputol ng leeg sakaling maipakita na si VP Sara nga ang nasa likod ng Oplan Tokhang.

Sinabi rin ng mambabatas na alam niya kung sino ang nag-utos kay Lascañas at sa tamang panahon ay malalaman din kung sino iyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter