Sen. Bato may misyon pa vs krimen, droga, at korapsiyon

Sen. Bato may misyon pa vs krimen, droga, at korapsiyon

NANINIWALA ang reelectionist na si Sen. Bato Dela Rosa na may misyon pa siya na dapat gawin sa mundo.

Ang naturang misyon aniya ay ang ipagpatuloy nito ang laban kontra ilegal na droga, kriminalidad at korapsiyon.

Mensahe ito ng senador sa naging proclamation rally para kay senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy kahapon, Pebrero 11, 2025 sa Ynares Sports Center, Pasig City.

Binigyang-diin ni Dela Rosa na ang isyu ng korapsiyon ang pinaka-mahirap na misyon na sa tingin niya ay ibinigay sa kaniya ng Makapangyarihang Ama sa langit.

Subalit ayon sa butihing senador, hindi na siya mahihirapan sa naturang misyon kung iboboto aniya ng mga Pilipino ang mga tamang kandidato gaya ng senatorial candidates ng PDP-Laban.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble