Sen. Bato sa 3 Duterte sa Senado: Hayaan ang taumbayan ang magpasya

Sen. Bato sa 3 Duterte sa Senado: Hayaan ang taumbayan ang magpasya

WALANG nakikitang masama si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung may 3 Duterte ang uupo sa Senado kung sila ay mananalo sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Bato, maganda ang track record sa trabaho ng dating Pangulong Digong, Davao City Mayor Baste Duterte, at ni Cong. Pulong Duterte.

“Ay magagaling na mga lider ang mga ‘yan. Nasa DNA nila ang pagiging lider na may bayag na lumalaban at hindi umaatras sa anumang laban. That’s the leaders that we need for this country,” ayon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ipinunto ni Bato na bagama’t labis para sa ilang pumupuna ang pagkakaroon ng 3 Duterte sa Senado ay di’ malayo na ito aniya ay mangyari dahil isang malaking demokrasya ang Pilipinas.

“Sabihin mo too much dahil marami. Tatlong Duterte na senador. Sabihin mo too much pero ang tao pa rin ang magdedesisyon kung gusto nila. That’s why we have an election para i-elect ng taumbayan kung sino ang gusto nilang i-elect,” ani Dela Rosa.

Inahalimbawa ng senador ang pagkakaupo sa Senado ng iba pang magkakapamilya.

Kabilang dito ang magkakapatid na Alan at Pia Cayetano, JV Ejercito, at Jinggoy Estrada, at nang mag-inang Mark at Cynthia Villar.

“As I have said, kung satisfied tayo dito sa magkakapatid, mag-ina na nasa Senado, ako ‘di porket kasama ko sila ha. Bakit ko ‘yan i-deny sa mga Duterte? Lalong-lalo na kung pipiliin talaga sila ng taumbayan,” dagdag nito.

Ang pagtakbo ng tatlong Duterte sa Senado ay inilahad ni VP Sara Duterte kamakailan lamang at para kay Bato, di’ aniya ito biro at mukhang seseryosohin.

Sakali namang matuloy ang tatlong Duterte sa Senado ay inaasahang lalakas muli ang political party na Partido Demokratiko Pilipino.

Ito ay kung mananalo rin ulit ang tatlong re-electionist na sina Sen. Bong Go, Francis Tolentino, at si Bato.

Si Sen. Robin Padilla naman na acting president ng nasabing partido ay sa 2028 pa magtatapos ang termino.

“Mukhang lalakas. May Duterte eh. At alam natin ang followership ng Duterte. Napakalakas. So babangon muli ang PDP,” aniya.

 

Follow SMNI News on Rumble

Follow SMNI NEWS on Twitter