BINISITA ni Senator Christopher “Bong” Go ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para personal na makita ang mga ginagawa ng ahensiya.
Sinilip din ng mambabatas ang modernong MMDA Command Center sa Julia Vargas, Pasig City kung saan makikita rito ang galaw ng trapiko sa Kalakhang Maynila.
Una rito, personal na namahagi ng 10 motorsiklo si Go para sa mga MMDA rider na pangunahing nakakatulong sa pagsasaayos ng trapiko.
Magugunitang si Sen. Go kasama ang dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay kapwa riders kung saan gawain na nilang mag-motor marating lang ang mga lugar nang mabilisan.
Si Go na miyembro din ng Senate Committee on Public Services ay kadalasang nakikitang naka-motor kapag bumibisita ito at hinahatiran ng tulong ang mga biktima ng sunog.