Sen. Bong Go, maghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng sa Cavite

Sen. Bong Go, maghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng sa Cavite

PERSONAL na tutungo si Senador Christopher “Bong” Go sa lalawigan ng Cavite para maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng sa lugar.

Pangunahin na bibisitahin ng senador ang Kawit at Bacoor Cavite.

Nakatakdang ipamahagi rito ang pinansiyal at pangkabuhayan na ayuda sa mga biktima ng nagdaang kalamidad.

Matatandaang, nalubog din sa matinding tubig-baha ang malaking bahagi ng Cavite dahil sa sunud-sunod na pag-uulang naranasan na dala ng Bagyong Paeng sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter