Sen. Bong Go nagbabala kay Bamban ex-Mayor Alice Guo na magsabi ng totoo

Sen. Bong Go nagbabala kay Bamban ex-Mayor Alice Guo na magsabi ng totoo

BINALAAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang nasibak na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo na sabihin lamang ang katotohanan kung gusto raw ni Guo na irespeto pa siya ng Senado.

Muling humarap sa Senate hearing nitong Lunes ang dismissed mayor matapos siyang madakip sa Indonesia nitong nakaraang Linggo.

Giit ni Sen. Go, maging si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nadadamay sa aniya’y mga conspiracy theory na dulot di umano ng pagiging “evasive” o pag-iwas ni Guo sa mga tanong ng mga senador.

Paglilinaw ni Sen. Go, hindi niya dinedepensahan ang dating Pangulo at pawang katotohan lamang daw ang kaniyang sinasabi. Kahit noong Mayor pa ng Davao City, mahigpit na si Duterte sa mga magne-name drop sa kanilla para gumawa ng ilegal.

Sinuman na mag-negosyo ng ilegal ay ibabaon daw ng buhay ng dating Pangulo, ayon kay Sen. Bong Go.

Dagdag pa ni Sen. Bong Go, noon pa man ay kontra na siya sa POGO dahil sa aniya’y pag-compromise nito sa peace and order ng bansa at sa paghahasik nito ng lagim sa mga Pilipino.

Sa kabila naman ng mga fake news na kumakalat lalo na sa social media, wala kahit anumang binanggit si ex-mayor alice Guo tungkol sa Duterte administration na pwedeng mag-ugnay sa ilegal na POGO.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble