Sen. Bong Go, nanood ng first game ng PBA Season 48 sa Smart Araneta Coliseum

Sen. Bong Go, nanood ng first game ng PBA Season 48 sa Smart Araneta Coliseum

LIVE na nanood si Sen. Bong Go ng first game ng PBA Season 48 sa Smart Araneta Coliseum nitong Linggo, Nobyembre 5.

Personal na binati ni Sen. Go ang ilang players ng Gilas Pilipinas at maging si Coach Tim Cone matapos silang bigyan ng pagkilala ng PBA at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas dahil sa gold medal na kanilang naiuwi mula sa 2023 Asian Games sa Hangzhou, China.

Ipinapaabot din ng senador ang kaniyang pagbati sa mga nagwagi sa Annual Leo Awards para sa PBA Season 47. Ilan nga sa kanila ay sina June Mar Fajardo na hinirang bilang Most Valuable Player, Kevin Alas na Sportsmanship Awardee, Scottie Thompson at Calvin Abueva na bahagi ng PBA Mythical Team.

Samantala, tinunghayan din ni Sen. Go ang laban ng Magnolia Hotshots vs TNT Tropang Giga sa pagbubukas ng PBA Season 48. Wagi ang Magnolia sa score na 110-102.

Bilang Chair ng Senate Committee on Sports, all-out support si Go sa mga sports program sa bansa. Ikinakatuwa niya rin na masaksihan ang talento at dedikasyon ng mga atletang Pilipino gaya ng Gilas Pilipinas at iba pang PBA players.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter