Sen. Bong Go, pinangunahan ang AICS distribution sa Carranglan, Nueva Ecija

Sen. Bong Go, pinangunahan ang AICS distribution sa Carranglan, Nueva Ecija

NAGPASALAMAT ang mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) kay Sen. Bong Go at ilang public officials ng Nueva Ecija dahil sa tulong na nakarating sa kanila.

Katuwang si Cong. GP Padiernos ng GP Party-list at Cong. Joseph Violago ng unang distrito ng Nueva Ecija ay pinangunahan ni Sen. Bong Go ang pamimigay ng cash assistance, grocery packs, raffle ng cellphone, bisikleta at iba pang ayuda sa mahigit 800 AICS beneficiaries sa bayan ng Carranglan, Nueva Ecija.

Sa tulong ng GP Party-list, tumanggap si JC Labonera na isang PWD ng wheelchair na ayon sa kaniyang ina ay malaking tulong para dito.

“Maraming maraming salamat kay Sen. Bong Go po at nabigyan po siya. Hindi na ako mahihirapan magbuhat sa kanya. May tumawag lang po sa amin na nag-announce po na mamimigay nga po ng wheelchair kaya nagpunta kami agad,” wika ni Mrs. Labonera, Carranglan.

Samantala, tumanggap din ng financial assistance si Johnmar Gamarillo. Aniya malaking tulong sa kaniya ang financial assistance habang kasalukuyan siyang naghahanap ng trabaho.

“Ako po si Johnmar Gamarillo, college graduate. Ang makukuha ko, matanggap ko ngayon kay Sen. Bong Go ay malaking bagay po para makatulong po sa aking pangangailangan habang naghihintay po ako ng trabaho,” aniya.

Muli namang ipinahayag ni Go ang layunin at kabutihang maidudulot ng kaniyang proyektong Super Health Centers para sa mga nangangailangan ng atensiyong-medikal.

“Ang ikinaganda po ng Super Health Center, diyan na po ‘yung check-up, diyan na po ‘yung primary care ng Universal Health Care, diyan na po ‘yung konsulta ng PhilHealth, early disease detection at ang ikinaganda nito ay madede-congest ang mga ospital dahil diyan na kayo magpapacheck-up para hindi lumalala ang sakit,” saad ni Sen Bong Go.

Dagdag ni Go, magkakaroon ng 600 na Super Health Center sa buong bansa kasama na rito ang siyam na Super Health Center na itatayo sa buong Nueva Ecija.

“Magkakaroon po ng mahigit anim na raang Super Health Center sa buong Pilipinas sa loob ng dalawang taon. Kasama na diyan ang siyam sa Nueva Ecija-Rizal, Kap Tinio, San Leonardo, Sto Domingo, Aliaga, Bongabon, Llanera, Science City, at Zaragosa. Siyam po ang itatayong Super Health Center sa probinsya ng Nueva Ecija sa tulong po ni Cong. GP Padiernos at Cong. Joseph Violago,” dagdag ni Go.

Nagpasalamat naman si Cong GP Padiernos, Cong. Joseph Violago, Mayor Ogie Diaz at opisyales ng Carranglan Nueva Ecija sa patuloy na suporta ni Sen. Go sa mga Novo Ecijano.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter