Sen. Bong Go, pinangunahan ang groundbreaking ceremony ng Super Health Center

Sen. Bong Go, pinangunahan ang groundbreaking ceremony ng Super Health Center

PINANGUNAHAN ni Senator Christopher “Bong” Go bilang chairman ng Health Committee sa Senado.

Ang groundbreaking ceremony na ginanap sa ilang bahagi ng probinsiya ng Misamis Oriental kabilang na ang Brgy. Retablo sa bayan ng Libertad at sa Brgy. Balubal, Cagayan de Oro ang kapitolyo ng nasabing probinsiya.

Ang nasabing groundbreaking ceremony ay naglalayong matulungan ang mga mahihirap na mga barangay sa buong Pilipinas na walang kakayahang magpatayo ng Super Health Center.

Ayon din kay Sen. Go noong taong 2022, merong 307 Super Health Center na ang naitayo sa buong Pilipinas. At sa taong kasalukuyan 2023, 322 ang target na ipatayo sa tulong ng Kongreso at Department of Health (DOH).

“Sa ngayon hayaan mo akong magsimula sa taong 2022, meron ng 307 Super Health Center ang naipatayo na sa buong Pilipinas. Ngayong taon 2023, merong 322 na itatayo sa tulong ng ating kasamahan sa Kongreso at Department of Health. Ito ang mga Super Health Center na itatayo sa mga strategic areas o malalayong lugar. Katulad ng mga 4th class, 5th class at 6th class municipalities na walang kakayahang magpatayo ng kanilang Super Health Center. Ito po ang isang paraan upang ilapit po natin ang serbisyo medical sa ating mahihirap na mga kababayan,” pahayag ni Sen. Bong Go.

Samantala, sa panayam kay First District Representative Bambi Emano, meron na aniyang 3 Super Health Center ang naitayo sa kaniyang distrito ito ay sa mga barangay ng; Tagoloan, Initao at Opol at madadagdagan pa ng isa ngayong taon.

Ibinahagi rin ni Congressman Emano ang pagkakaiba ng Super Health Center sa ordinaryong health center.

“Malaki po ang tulong ng programang Super Health Center dahil ang ating mga kapatid na nasa kabukiran na may karamdaman hindi na kailangang bumaba sa centro para magpagamot kasi ang Super Health Center ang kasunduan nito, na ang gagawa nang building at pagawaan ay ang Department of Health or ang national government at ang component ng mga empleyadong nasa loob gaya ng nurse at midwife ibibigay po ito sa local government units. So, kung titingnan mo sa 30 to 50 na pamasahe makakabili ka na nang bigas,” dagdag ni Go.

Sa huli, nagpaabot naman ng pasasalamat ang isa sa mga nakatanggap ng tulong mula kay Senador Bong Go.

“Nagpapasalamat po ako na nakarating si Sen. Bong Go dito sa Balubal, Agusan, malaki ang pasasalamat namin na binigyan kami ng hospital dito sa Balubal, yan lang ang masasabi ko ‘Go, Bong Go!“ anila.

Mayaman ka man o dukha, kalusugan ay dapat pangalagaan, dahil higit pa ito sa kayamanang pinaka-aasam-asam ng bawat indibidwal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter