OPISYAL nang binawi Senador Christopher ‘Bong’ Go ang kanyang kandidatura para sa presidential race sa 2022 elections.
Ngayong Martes ng umaga, nagtungo si Go sa COMELEC headquarters sa Intramuros, Maynila.
Sa isang interview, muli namang humingi ng paumanhin si Sen. Bong Go sa kanyang mga supporters at muling idiniin na pinal na ang kanyang desisyon.
Aniya, pag-uusapan pa nila ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang kanilang susuportahan sa pagkapangulo sa susunod na eleksiyon.
Tiniyak din nito na ang kanilang pipiliin ay ang makapagpapatuloy ng magandang pagbabago na nasimulan ng Administrasyong Duterte.
Patuloy din naman aniya siyang magseserbisyo sa bayan sa abot ng kanyang makakaya .
Matatandaang dalawang linggo na ang nakararaan ng inanunsyo ni Go ang kanyang paag-atras sa presidential race.
BASAHIN: Senator Bong Go, umatras sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo
6 na senatorial candidate, inendorso ni vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte
Samantala, inendorso ni vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang anim na kandidato sa pagkasenador.
Sa kanyang talumpati sa Iloilo, inanunsyo ni Duterte-Carpio ang kanyang mga senador para sa 2022 elections.
Kabilang dito ay sina Harry Roque, Jinggoy Estrada, Mark Villar, Gibo Teodoro, Herbert Bautista at Loren Legarda.
Sinabi naman sa Lakas-CMD na number 1 sa listahan ng alkalde ang kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.