Sen. Bong Go, sisikaping madagdagan ang pondo ng Pinoy athletes para sa 2024 Paris Olympics

Sen. Bong Go, sisikaping madagdagan ang pondo ng Pinoy athletes para sa 2024 Paris Olympics

SISIKAPIN ni Sen. Christopher “Bong” Go na makalikom ng karagdagang pondo para sa mga Pinoy athlete na sasabak sa 2024 Paris Olympics.

Sinabi ito ng senador nang isagawa ang Siklab Youth Sports Awards noong Disyembre 4 sa Market Market Activity Center, Bonifacio Global City (BGC).

Hindi ito ang unang pagkakataon na suportado ni Sen. Go ang sports sa Pilipinas dahil kung matatandaan, ito ang author at co-sponsor ng Republic Act No. 11470 na siyang nagtayo ng National Academy of Sports.

Samantala, sa nabanggit na Siklab Youth Sports Awards ay kinilala sina Pinay tennis player alex Eala; pole vaulter EJ Obiena; muay Thai player Alyssa Kylie Mallari; weightlifter Prince delos Santos; gymnast Karl Eldrew Yulo; triathletes Kira Ellis, at Matthew Hermosa.

Kasama rin sa pinarangalan ay sina Gennah Malapit ng athletics; Ronel Suyom ng boxing; Rianne Malixi ng golf; Charlie Manzano at Breana Labadan ng gymnastics; Santino Luzuriaga ng jiu-jitsu; at Bianca Bustamante ng motor sports.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble