ISINUSULONG muli ni Senator Alan Peter Cayetano ang kaniyang panukalang Enhanced Kasambahay Act.
Ito’y para sa mas pinalawig na karapatan at benepisyo ng mga kasambahay.
Sa isinusulong ni Cayetano, iminumungkahi nito na magkakaroon ng isang oras bawat araw ang mga kasambahay para sa kanilang alternative learning o skills education.
Bagamat inilaan sa alternative learning, makatatanggap pa rin ng sahod ang kasambahay para sa naturang mga oras.
Maliban dito, nais din ni Cayetano na magkaroon ng libreng maintenance medicine para sa iba’t ibang sakit gaya ng diabetes, hypertension, asthma at tuberculosis.
Ang PhilHealth naman ang sasagot sa gamot para sa mga kasambahay.