Sen. Dela Rosa, hinikayat si PBBM na magtalaga na ng administrator sa LWUA

Sen. Dela Rosa, hinikayat si PBBM na magtalaga na ng administrator sa LWUA

UMAAPELA si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magtalaga na ng administrator para sa Local Water Utilities Administration (LWUA).

Ito’y para mapabilis na ang pagkumpleto ng pending na water projects sa Marawi City.

Kasunod na rin ito sa inihayag ni LWUA Officer-in-Charge Eileen dela Vega sa Senate hearing ng kanilang 2023 proposed budget na ang kakulangan ng administrator ang rason kung bakit nadi-delay ang pagpapanumbalik ng water supply sa lugar.

Ayon kay Sen. Dela Rosa, kung hindi maresolba ang problemang ito sa tubig, maaari itong gawing rason ng mga terorista at kumbinsihin ang mga taga-Marawi na magsimula muli ng digmaan.

Follow SMNI NEWS in Twitter