TILA wala nang mahihiling pa si senatorial candidate Ronald “Bato” Dela Rosa sa kinabibilangan nitong grupo, ang PDP-Laban. Aniya, walang maitulak-kabigin sa angking galing, talino, tapang, at dedikasyon ng kaniyang mga kasama sa partido.
Ayon kay Dela Rosa, ang pagkakaroon ng mga kasamahan sa partido na may track record ng tagumpay sa kani-kanilang mga larangan ay isang yaman na hindi matatawaran.
Aniya, ang mga tulad ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang mga nararapat na maupo sa Senado dahil na rin sa husay niya sa pamumuno.
“Well, si Pastor Apollo C. Quiboloy ay isang Man of God. Alam natin na hindi kailangan puro lawyers sa team mo. Dapat mayroon ding spiritual aspect at ‘yan ang papel ni Pastor Apollo C. Quiboloy. Napakaganda po ng aming mixture. Mayroon kaming Pastor, mayroon kaming abogado, may doktor, may pulis, may primyadong aktor na may napakalaking puso para sa mga mahihirap,” pahayag ni Ronald “Bato” Dela Rosa, Senatorial Candidate, PDP Laban.
Bilang espiritwal na lider at founder ng Kingdom of Jesus Christ—napatunayan ni Pastor Quiboloy na hindi imposibleng mamuno ng may katapatan at paninindigan.
Bagamat hindi siya tradisyonal na politiko, ang kaniyang malalim na pag-unawa sa moralidad at social responsibility ay nagtulak sa kaniya upang magsilbi sa mas mataas na antas ng gobyerno.
Itinaguyod rin ni Pastor Quiboloy ang mga proyekto na nakatuon sa pagpapabuti ng kalusugan, edukasyon, at pagtulong sa mga nangangailangan.
Atty. Lambino, hinimok ang publiko: Ilaan ang boto kay Pastor Apollo Quiboloy bilang regalo ngayong Mayo 12
Samantala, binigyang-diin naman ni Lambino ang malaking papel ni Pastor Quiboloy hindi lamang bilang isang espiritwal na lider, kundi bilang inspirasyon sa maraming Pilipino na naghahangad ng tunay na pagbabago sa bansa.
Hinikayat ni Lambino ang publiko na ipagkatiwala kay Pastor Quiboloy ang kanilang sagradong boto sa darating na Mayo 12.
“Unang una, binabati ko si Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanyang ika-75th nitong taon na ito. At sabi nga nila ‘yung bday gift hindi kaagad naibibigay on the day of your celebration. Pero pagdating ng May 12, ibigay natin ‘yung bday gift.”
“Lalong-lalo na dito sa ating mga kababayan dito sa Pangasinan… at sa Northern Luzon, isama natin si Pastor Apollo C. Quiboloy doon sa sampung iboboto natin. Huwag nating kakalimutan. Malaki ang aking utang na loob kay Pastor Apollo. Dahil ang mga Ilokano ay hindi nakakalimot sa pagtanaw sa utang na loob. Happy birthday, Pastor!” saad ni Atty. Raul Lambino, Senatorial Candidate, PDP Laban.
Sa kabila ng matitinding paninira at hagupit ng mga akusasyon laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy, nananatili siyang matatag—isang buhay na simbolo ng pag-asa at katatagan para sa maraming Pilipinong patuloy na lumalaban para sa kanilang karapatan at para sa katotohanan.
Hindi matitinag ang karakter ni Pastor Quiboloy. Sa bawat pagsubok, lalo niyang pinatitibay ang kaniyang paninindigan at nagiging inspirasyon sa marami. Sa gabay ng Panginoon, patuloy siyang nagtatagumpay sa bawat larangang kaniyang pinapasok, dala ang katapatan sa misyon at paninindigan sa katotohanan.
Saksi ang mga Pilipino sa patuloy na lakas at malasakit na ipinapakita ni Pastor Apollo C. Quiboloy, isang tunay na simbolo ng pag-asa at pagbabago, lalo na sa mga panahong ito ng hamon. Ang kaniyang mga taga-suporta, at pati na rin ang mga kandidato tulad ni Atty. Raul Lambino, ay umaasa na ang darating na Mayo 12 ay magiging pagkakataon upang ipadama ang pasasalamat at respeto kay Pastor Quiboloy—isang desisyon na magsisilibing regalo sa kaniya, at higit sa lahat, isang hakbang tungo sa mas maliwanag na bukas para sa bansa.
Follow SMNI News on Rumble