KUMPIYANSA si Senator Sherwin Gatchalian na mapapabilis ang pag-apruba sa panukalang batas na naglalayong palakasin ang pagsunod ng mga nagbabayad ng buwis.
Ayon kay Gatchalian, na siyang chairman ng Senate Committee on Ways and Means na positibo itong ang pagsasama ng Ease of Paying Taxes Bill sa mga priority measures ng Executive Department ay magpapabilis sa pagsasabatas ng bill na siya ring may akda.
Aniya ang Senate Bill No. 2224 o ang panukalang Ease of Paying Taxes Act ay nakabinbin pa rin sa ikalawang pagbasa sa ilalim ng Committee Report No. 70.
Sina Senators Joel Villanueva at Cynthia Villar ay kapwa may-akda rin ng panukala.
Samantala, nagpahayag din ng suporta si Gatchalian sa nakatutok at komprehensibong estratehiya ng Pangulo para labanan ang inflation.