LUBOS ang pasasalamat ni PDP Laban Senate bet #28 Sen. Bong Go sa pagtindig ng Iglesia ni Cristo (INC) para kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, matapos itong ilegal na arestuhin ng International Criminal Court (ICC) sa tulong ng INTERPOL at BBM administration upang malitis sa The Hague, Netherlands.
“Maraming salamat po sa mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo sa suporta at pagmamahal sa kapwa Pilipino,” ani ni Sen. Go.
“Salamat sa pagiging matatag at patas sa paninindigan,” dagdag pa niya.
“Ang kailangan natin ngayon ay pagkakaisa at pagkilala sa proseso ng ating batas. Mayroon naman tayong mga korte na nananatiling malaya at functional,” pagpapatuloy ng senador.
“At sa kabila ng mga hamon ng panahon at pagkakaiba ng opinyon, dalangin ko na hindi tayo magkawatak-watak,” pagtatapos ni Mr. Malasakit.
Editor’s Note: This article has been sourced from the PDP Laban Facebook Page.
Follow SMNI News on Rumble