Sen. Imee Marcos ‘di sang-ayon sa lahat ng sinasabi ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas

Sen. Imee Marcos ‘di sang-ayon sa lahat ng sinasabi ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas

NILINAW ni Senadora Imee Marcos ang kaniyang pakikisama sa kampanya ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa kabila ng kaniyang naunang sinabi na magbibitiw siya sa grupo.

Ayon sa senadora, isa pa rin siyang independent candidate ngunit kaniyang binigyang-diin na hindi siya naniniwala sa lahat ng sinasabi ng Alyansa sa entablado.

Para kay Senador Imee na nakatatandang kapatid ni Bongbong ay ‘di nakabubuti sa kampanya ang bira nang bira sa ibang kandidato sabay diin na mas maganda para sa kaniya na ipakita na lamang ang mga nagawa at iba pang plano para makatulong sa tao.

Kaugnay nito ay sentimental naman ang nararamdaman ng senadora nang tinanong kung nais ba niya ang isang 12-0 na panalo para sa alyansa. ‘Di kasi niya makalimutan ang dati nilang samahan ni Sen. Bong Go at Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa panahon ng kampanya noong 2019 elections.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble