TINANGGAP ni Sen. Bong Go ang “Golden Legacy Award” na iginawad ng Philippine Heart Center nitong Linggo ng gabi sa Manila Hotel.
Ang nasabing award ay bilang pagkilala sa patuloy na pagsulong ng senador na maiangat ang healthcare system ng bansa.
Sa kaniyang talumpati ay inialay ni Go ang parangal sa magigiting na Medical frontliners na aniya ay mga “Hero ng Pandemya”.
Matatandaan na kabilang sa isinulong ni Senador Go ang Republic Act. 11463 o Malasakit Center Act na naging daan sa pagtatayo ng Malasakit Centers nationwide.
Follow SMNI News on Rumble