Sen. Imee Marcos haharangin din ang arrest order ni Hontiveros vs Pastor ACQ

Sen. Imee Marcos haharangin din ang arrest order ni Hontiveros vs Pastor ACQ

INILAHAD ni Sen. Imee Marcos na sasama siya sa hakbang ni Sen. Robin Padilla na harangin ang contempt order laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ito ay kaugnay sa patuloy na pagtanggi ng butihing Pastor na dumalo sa isang Senate inquiry na pinapangunahan ni Sen. Risa Hontiveros.

Ipinaliwanag ni Marcos na sinusuportahan niya ang pagharang sa contempt order laban kay Quiboloy dahil hindi ito tama.

Aniya may nakabinbing imbestigasyon sa Kamara at pinaiimbestighan na rin ito ng Department of Justice (DOJ).

Giit ni Imee ayaw nilang i-pressure ang mga tao dahil may karapatan sila sa due process, para ipagtanggol ang sarili nila.

“‘Yung sabay-sabay mong kinasuhan e pwede naman magdahilan na hindi dapat sabay-sabay. Higit sa lahat may pending na sa court. Pare-pareho naman ‘yung paksa ba’t uulitin pa? pahayag ni Sen. Imee Marcos.

Batay sa rules of procedure sa Senado, may pitong araw si Padilla para mangalap ng suporta ng hindi bababa sa walong miyembro ng komite para mabaligtad ang contempt order.

Ang panel ng Senado ay binubuo ng 14 na miyembro, kabilang ang mga ex officio members tulad nina Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Senate Majority Leader Joel Villanueva, at Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.

Sa ngayon, sinabi ni Marcos na hindi bababa sa dalawa pang senador ang naghayag ng kanilang layunin na sumali sa hakbang na harangin ang contempt order.

Liban kay Padilla at Imee, ay kasama sa susuporta sa pagharang ng contempt order si Sen. Bong Go at Cynthia Villar ayon kay Sen. Imee.

“I think there is an effort to come into a decision. Unang-una ‘yung pag-issue ng subpoena sinabi na namin na talagang hndi kami sang-ayon sa ganun. … ‘Di ako sigurado na in aid of legislation ang mangyayari,” dagdag ni Sen. Imee.

Bukod sa mga naunang nabanggit ay Kabilang din sa miyembro ng nasabing komite si Sen. Nancy Binay, Pia Cayetano, JV Ejercito, Raffy Tulfo, Grace Poe, at Mark Villar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble