Sen. Imee Marcos, muling inalala ang paghingi ng tawad ng dating mga rebelde sa kanilang pamilya

Sen. Imee Marcos, muling inalala ang paghingi ng tawad ng dating mga rebelde sa kanilang pamilya

MULING inalala ni Senator Imee Marcos, ang ginawang paglapit at paghingi ng tawad ng dating mga kadre ng Communist Party of Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa kanilang pamilya.

Sa isang one-on-one interview kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, inamin ng Senadora na ikinagulat niya ang mga nangyari subalit naging magaan naman niya ang kanyang pagpapatawad.

 “Nagulat ako sa kanila, nabigla ako talaga at siyempre sabi ko kung ang Panginoon nagpapatawad sino ba kami na hindi magpatawad,magaan na magaan ang nangyari. It was a very cleansing, very healing and cathartic.” pahayag ng Senadora.

Matatandaang noong komerasyon ng ika limampung taong anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, Setyembre 21, ngayong taon, isiniwalat ni dating NPA leader Peter Mutuc ang katotohanan sa Plaza Miranda bombing.

Ang karumal-dumal na pangyayaring ito ang itinuturing dahilan kung bakit napilitan umano na magdeklara ng Martial Law si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Dahil na rin sa lumalalang rebelyon sa buong bansa noong 1970s.

At kasunod nga ng pagbubulgar ay ang paghingi naman ng kapatawaran sa pamilyang Marcos na tinanggap naman ni Sen. Imee.

Kaugnay nito nananawagan naman ng pagkakaisa ang Senadora.

“At lahat tayo magkaisa hindi lang ‘yung kaliwa na sinasabi kung nagbalik-loob na sa pamahalaan, ganoon din ‘yung sinasabing kanan ‘yung mga kudeta, ‘yung mga sundalo na nagkaroon ng kaso” ani Imee.

“Maybe its time for peace and good will to all men anuman ang paniniwala sa politika kung nagbalik-loob na at mapayapa na ang isipan yakapin natin,” dagdag pa nito.

Samantala, naniniwala naman si Pastor Apollo na divine justice ang lahat ng magagandang nangyari ngayon sa pamilyang Marcos.

“Yun ang start ng healing period natin ‘yung angkinin nila ‘yung totoo. Nakatago ‘yun hindi natin alam noon kaya kayo ang napagbuntungan so, kinarga naman ninyo for this thirty-six years. Vindication na ‘yun para sa akin divine justice ‘yun na nagbalik-loob na sila, nagsalita na ng totoo, “ ayon  sa butihing Pastor.

Sa kabilang banda, inihayag ni sen. Imee ang kanyang buong suporta sa national task force to End Local Communist Armed Conflict or NTF-ELCAC na lumalaban sa CPP-NPA-NDF.

“Naniniwala ako dapat ipagpatuloy at lahat ng pinangako natin sa mga NPA-infested na barangay, itupad naman natin”  tugon ni Imee.

“Dapat ituloy pa rin natin kasi there’s nothing more convincing, walang makaka ingganyo kaysa sa talagang katibayan na nagkaroon ng kalye, nagka-kuryente, nagka-eskwelahan. Malaking bagay ‘yun, talagang mako-convert ka ” paghahalimbawa ng Senadora.

Kaugnay rito, iginigiit din ng Senadora na dapat dagdagan ang budget para sa  programa para sa mga Indegenous people.

Sa ngayon, mayroon lamang 1.4 billion pesos na pondo ang National Commission On Indigenous People (NCIP)

“Pinagpipilitan ko nga, sabi ko dagdagan naman natin iyang budget na ‘yan. Kung bibilangin mo ang lahat ng total number of IPs natin, mga Mangyan, Ita, mga Igorot, lahat ng Badjao at…, lahat. Siguro aabot ng 10% ng populasyon natin nasa 10-M. Pero ang layo naman sa 10% ang budget niya,” ayon kay Imee.

Samantala, Naniniwala Si Senator Imee na ang mga IP ang puso at diwa ng mga Pilipino dahil sa kanila makikita ang kultura ng tunay na Pilipino.

 

Follow SMNI News on Twitter