Sen. Jinggoy, walang nakikitang mali sa hindi pagbanggit sa China sa SONA

Sen. Jinggoy, walang nakikitang mali sa hindi pagbanggit sa China sa SONA

HINDI pagbanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kaniyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) ang umano’y pangha-harass ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Pero kaniya naman ipinunto na patuloy na pro-protektahan ng kaniyang administrasyon ang soberenya ng Pilipinas.

“Our journey to progress requires not only unity and social cohesion amongst our people, it is also imperative that our nation remains intact and inviolable, our sovereignty preserved,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sa isang press briefing, sinabi ni Senator Jinggoy Estrada na wala siyang nakikitang problema sa ginawa ng Pangulo.

Iginiit ng mambabatas na hindi na kailangan pang makipag word war sa China dahil maaari naman itong idaan sa diplomatikong usapan.

“Siguro we do not want to push it too hard. We do not want to entangle China in a word war kasi let’s face it, katulad ng sinasabi natin, hindi natin pwede kalabanin ang might ng China when it comes to defense and everything. Kailangan pag-usapan natin ‘yan diplomatically,” ayon kay Sen. Jinggoy Estrada.

Sa kabila ng mga lumalabas na balita sa mainstream media na tensyonado umano ang relasyon ng Pilipinas sa China ay sinabi ng Pangulong Marcos na hindi lalayo ang Pilipinas sa China.

Ipinunto rin ng Pangulo na ang pagkamit ng kapayapaan ay hindi lamang nakasalalay sa isang tao o sa gobyerno kundi kailangan ng pakikiisa ng lahat ng Pilipino.

“With our National interest paramount, we will always pursue constant dialogue and diplomatic approaches to the resolution of any issue that may arise. So the initial results of our efforts inspire confidence. Let us all continue in our aspiration of peace and progress. This is not the work… all Filipinos working together,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Matatandaan na una nang binanggit ng Pangulo na epektibo ang independent foreign policy ng bansa na “friend to all and enemy to none”.

Bukas din ang Pangulong Marcos sa isa pang pamamaraan na makausap ang China sa pamamagitan ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte na nakipagkita kay Chinese President Xi Jinping sa China kamakailan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble