Sen. JV Ejercito, kinontra ang panawagang isapribado ang NAIA

Sen. JV Ejercito, kinontra ang panawagang isapribado ang NAIA

HINDI sang-ayon si Senator JV Ejercito sa panukalang isapribado ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa isang pahayag, sinabi ni JV na chairman ng Senate Committee on Public Services, ang isang public utility facility na may mahalagang papel sa national security ay dapat manatiling kontrolado ng gobyerno.

Ikinababahala ni Ejercito na matulad ang main international gateway ng bansa, ang NAIA, sa kapalaran ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na isang power transmission operator na isinapribado sa taong 2009.

Sa kasalukuyan ay 40% ng NGCP ay pag-aari ng State Grid Corporation ng China.

Sa araw ng Bagong Taon ay ilang oras na naparalisa ang air traffic system ng bansa, hindi kalayuan ayon sa mambabatas na sa isang iglap ay posibleng mawawalan ng kuryente ang buong bansa.

Matatandaan na una nang ipinanawagan ni Sen. Grace Poe na isapribado ang NAIA upang mapagbuti ang serbisyo at ma-accommodate ang mas maraming pasahero.

Bukas ay inaasahan na gugulong na ang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa NAIA air traffic control shutdown.

Follow SMNI NEWS in Twitter