Sen. Legarda, hindi na paniniwalaan ng taumbayan – Pastor Apollo

Sen. Legarda, hindi na paniniwalaan ng taumbayan – Pastor Apollo

WALANG sinseridad para kay Pastor Apollo C. Quiboloy ang pahayag ni Senador Loren Legarda matapos umani ng batikos dahil sa pagtatanggol ng senadora sa teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

Pagsasalarawan pa ni Pastor Apollo, parang kobra ang senadora na nag-anyong manok.

“Unang-una, it’s too late for the senator to redeem her image to the Filipino people because she had shown her card already. Ipinakita na niya ang kulay niya, maka-CPP-NPA-NDF siya,” ito ang reaksyon ni Pastor Apollo sa bagong pahayag ng senadora kaugnay sa usapang pangkapayapaan matapos makatanggap ng kaliwa’t kanang batikos dahil sa pagtatanggol sa teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

Sa kanyang programang Give Us This Day sa SMNI nitong Huwebes, iginiit ng butihing Pastor na kaya umaani ng batikos ngayon si Sen. Legarda mula sa taumbayan ay dahil nasa makakaliwang grupo pa rin ang puso ng senadora.

“So, nakikita ng taong-bayan na wala ka talagang sincerity sa bandang ‘yan. So, ganito ‘yan, ‘pag ang salamin nabasag, ibalik mo man ‘yan, basag na rin. Maibalik mo man, pero basag-basag na rin siya. Hindi mo na maibabalik ‘yung hindi pa siya nabasag. Pero kapag nabasag, kahit pagtatagpi-tagpiin mo pa ‘yan, hindi na maibabalik ‘yung dati. Ganoon ‘yun kasi nakita na kung saan ang puso mo. Ngayon, ‘pag binawi mo ‘yun, parang tinatakpan mo na ang sarili mo. Nagbabalat kayo ka na,” ayon sa butihing Pastor.

Dagdag pa ni Pastor Apollo mas mabuti pang pinanindigan na lang sana ni Sen. Legarda na siya ay sumusuporta sa CPP-NPA-NDF.

“Mabuti pang tinayuan mo na. Mabuti pang sinabi mong, “Oo, talagang ako ay maka-NPA. Ako’y talagang maka-CPP.” Eh di naging genuine ka pa. Pagkatapos, makisama ka na sa kanila. Makisama ka na doon sa tatlong ahas diyan sa Kongreso at sino pa ‘yang ahas diyan,” ayon pa sa butihing Pastor.

Mas maganda rin sana ani Pastor Apollo na binanggit ni Sen. Legarda sa kanyang bagong pahayag ang mga karahasan at panloloko ng CPP-NPA-NDF.

“Hindi mo naman binanggit ang mga karahasang ginagawa ng panloloko, karahasang pagpapatay, panununog, pananakot ng CPP-NPA for 53 years. You should have mentioned that specifically, ‘yung mga ginawa nila, ‘yung karahasan, ‘yung pananakot, pagpatay, pagma-massacre. Binanggit mo sana ang Rano Massacre, ‘yung Inopacan Massacre at marami pang massacre na ginawa nila. Kanilang hanay, Operation Ahos, pinagpapatay ang mga sarili nilang kasamahan, pinagdudahan lang. Wala kang binanggit na ganoon. Napakarami pa. Punung-puno tayo sa 53 years na pananalasa ng mga ahas na ito, ng CPP-NPA-NDF. Wala kang binanggit na ganoon,” ayon ni Pastor Apollo.

Tutol din si Pastor Apollo sa pagpabor ni Sen. Legarda na ibalik ang peace talk sa pagitan ng CPP-NPA-NDF at ng gobyerno.

“Hindi mo alam, 40 times na tayo, more than that, marami ng mga administrasyon nakipag-peace talk, mayroon bang kinapupuntahan ang peace talk? Wala. Kasi, the end game of the CPP-NPA-NDF is to overthrow government and Sison will sit in Malacañang, and the NPA will be the New People’s Army, wala na ‘yung Armed Forces of the Philippines. Wala na ‘yun, sila na ‘yung Armed Forces. ‘Yun ang gustong mangyari ni Sison at sila ang mag-i-implement ng Communist Dictatorship ng Proletariat nila dito sa Pilipinas, mga walang Diyos ‘yan,” pagdiin ni Pastor Apollo.

Ayon kay Pastor Apollo, hindi peace talk ang susi laban sa insurhensiya kundi ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“Kaya nga mayroon ang ating former Pangulong Duterte, pumirma ng isang EO NTF-ELCAC, EO 70, whole-nation approach at localized ang pagsu-surrender. Why do we have not to talk to these terrorists? Kasi declared na silang terorista. CPP-NPA-NDF were declared as terrorists. Kaya ang gobyerno, hindi na makikipag-negotiate sa mga terorista. Bawal. Doon na lang sa mga nasa baba, localized peace talks. ‘Yan ang NTF-ELCAC na kinakaltasan ng budget, dapat dagdagan. Tingnan ninyo, thousands are surrendering,” ayon pa sa butihing Pastor.

Kung nais talagang isulong ni Sen. Legarda ang tunay na peace talk, nagbigay ng mga kondisyon si Pastor Apollo.

“Gusto mo, Loren Legarda ang tunay na peace talk? Itong sabihin mo sa kanila, ito ang tunay na peace talk, kailangan manggaling ni pangulong ahas Joma Sison, pangulo ng CPP-NPA-NDF na, they will declare that they will never overthrow the government of the Philippines, na wala na silang balak na i-overthrow ang gobyerno ng Pilipinas,” pahayag ni Pastor Apollo.

“Pangalawa, mag-surrender na lahat ng NPA at ang kanilang mga armas, i-surrender. Gusto niyo ng peace talk? ‘Yan ang peace talk. ‘Yan ang tunay na peace. Kailangan manggaling sa bibig ng ahas na Joma Sison na ‘to na, “Hindi na namin ibabagsak ang gobyerno ng Pilipinas, wala na kaming balak na ganoon, ide-denounce na namin ‘yung aming mga balak noon. Tapos ang lahat ng NPAs, su-surrender na pati ang kanilang mga armas, magbabalik-loob. Tapos magpi-peace talk,” dagdag ni Pastor Apollo.

“Sasabihin ninyo kung anong gusto ninyong mangyari, land reform tayo, kung anu-ano riyan, papag-usapan na natin ‘yan,” aniya pa.

Ngayon ani Pastor Apollo, alam na ng taumbayan kung ano ang tunay na pagkatao ng senadora.

“Ngayon, alam na natin kung bakit in-endorso at sinuportahan ng KABAG Party-list si Sen. Loren Legarda, may puso pala siya para sa CPP-NPA-NDF. Isa siyang kobra na nag-anyong manok. Legarda and Casiño came from the same province… no doubt, both of them are patronizing Joma-communist ideology. Hindi na ako magtataka at di na masu-sorpresa na isulong niya na maibalik ang prangkisa ng ABS-CBN na left leaning media. Nabudol tayo ni Loren Legarda. Ginamit pa niya ang UniTeam,” ayon sa butihing Pastor.

Saad ni Pastor Apollo, hindi ito hihinto sa paglaban sa mga nais pabagsakin ang gobyerno.

“Akala ninyo hihinto kami dito, ako’y hihinto? To Kingdom come, ang bibig na ito ay mananalita laban sa inyo,” aniya pa.

Follow SMNI News on Twitter