Sen. Padilla, binisita si dating Sen. De lima sa Kampo Crame

Sen. Padilla, binisita si dating Sen. De lima sa Kampo Crame

BINISITA ni Senador Robinhood Padilla si dating Senador Leila De Lima sa Philippine National Police General Hospital sa Kampo Crame kahapon.

Ito ay para tiyakin kay De Lima na hindi katuruan ng Islam ang kaguluhan, terorismo at pananakot.

Ayon kay Padilla, nagtungo siya kay De Lima hindi bilang senador kundi isang Muslim at kapwa Bikolano, para iparating dito na kung ano ang ginawa ng mga Abu Sayyaf na nagtangkang i-hostage ito noong Linggo ay hindi naayon sa Islam.

Ibinunyag din ni Padilla na napag-usapan nila ni De Lima ang posibilidad na magkaroon ng home furlough ngunit nabanggit aniya sa kanya ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na nais ni De Lima na manatili sa Kampo Crame.

Samantala, muling nagpasalamat ang senador kay Azurin sa paghingi nito ng apology at pagpapakumbaba sa hindi tamang paggamit ng salitang “Muslim” ng ilang pulis para tumukoy sa mga hostage-taker noong Linggo.

Follow SMNI NEWS in Twitter