DESIDIDO si Senator Robinhood Padilla na ihain muli ang Pederalismo sa bansa.
Aniya, umikot na ito sa local government units sa Visayas at Mindanao at nakikita niyang marami na ang nakaiintindi sa naturang uri ng sistema.
Kaugnay nito ay sinabi na rin ni Padilla na umaasa siya sa panibagong set ng mananalong mambabatas ngayong 2025 midterm elections na suportahan ang Pederalismo.
Matatandaang bago pa man nanalo bilang senador si Padilla ay isa na ito sa kaniyang adhikain.