Sen. Padilla, itinalagang presidente ng PDP-Laban

Sen. Padilla, itinalagang presidente ng PDP-Laban

ITINALAGA bilang presidente ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Sen. Robinhood Padilla.

Pinalitan ni Padilla si Palawan Rep. Jose Chavez Alvarez.

Sa pahayag ni Senate Majority Leader Francis Tolentino, mananatili naman bilang chairman ng partido si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nag-resign si Padilla bilang vice-president ng partido para tutukan ang kaniyang trabaho sa Senado.

Ayon kay Tolentino, taglay ni Padilla ang mga mahahalagang karanasan at pananaw sa mga operasyon ng partido.

Nakatakda namang i-formalize ng partido ang pag-upo ni Padilla bilang presidente ng PDP-Laban.

Follow SMNI NEWS on Twitter