Sen. Padilla nagbigay ng update sa kalagayan ni dating ES Medialdea

Sen. Padilla nagbigay ng update sa kalagayan ni dating ES Medialdea

NASA ospital pa rin si dating Executive Secretary Atty. Salvador Medialdea sa kasalukuyan kahit stable na ang kalagayan nito.

Batay ito sa social media post ni Sen. Robinhood Padilla nitong Marso 20, 2025.

Matatandaan na isinugod sa ospital ang butihing abogado noong Marso 18.

Sa pahayag ng embahada ng Pilipinas sa Netherlands, nagtungo si Medialdea sa detention center ng International Criminal Court (ICC) umaga noong Martes upang bisitahin si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ngunit nakaramdam ito ng panghihina habang nagrerehistro upang makapasok sa pasilidad.

Sa kabila ng pagkaospital ay nauna nang pinuri ni Sen. Padilla ang dating executive secretary.

Ito’y dahil kahit isinakay na sa ambulansiya ay iniisip pa rin nito ang mga kakailanganin ni FPRRD at paulit-ulit niya itong sinasabi sa senador.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble