Sen. Padilla pinaiimbestigahan sa Senado kung paglabag sa press freedom ang patuloy na suspensiyon ng SMNI

Sen. Padilla pinaiimbestigahan sa Senado kung paglabag sa press freedom ang patuloy na suspensiyon ng SMNI

MAITUTURING bang paglabag sa kalayaan sa pamamahayag ang patuloy na suspensiyon sa operasyon ng Sonshine Media Network International (SMNI)?

Ito ang tanong ni Sen. Robin Padilla na naghain ng Senate Resolution 1000, kung saan isinulong niya ang imbestigasyon sa isyu, “in aid of legislation.”

Sa kaniyang resolusyon, sinabi ni Padilla na ang walang batayang suspension ay hindi lamang paglabag sa due process kundi maging pagsawalang bahala sa press freedom.

Aniya, wala pa ring malinaw na paliwanag mula sa National Telecommunications Commission (NTC) – na nagsuspinde sa operasyon ng SMNI – kung bakit kailangan nitong gawin ito.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter