UMAASA si Senator Aquilino “Koko” Pimentel na mabibigyang pansin at babanggitin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang panawagang ipagbawal ang lahat ng POGO sa bansa.
Ito ay matapos niyang imungkahi kay Marcos Jr. sa nalalapit niyang State of the Nation Address (SONA) na kung ito man ay kaniyang babanggitin at ipagbabawal ay may posibilidad daw na muling umangat ang ratings nito.
Matatandaang matagal nang tutol ang senador sa POGO dahil aniya mas marami pa itong naidudulot na masama kaysa sa naitutulong na mabuti sa bansa.
Una namang sinabi ni BBM na ilan sa mga posibleng babanggitin nito sa kaniyang SONA ay may kinalaman sa estado ng ekonomiya, paglaban ng gobyerno sa kriminalidad at iligal na droga, gayundin ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino.