Sen. Poe, nais may masampolan sa lumabag ng SIM Registration Act

Sen. Poe, nais may masampolan sa lumabag ng SIM Registration Act

NAIS ni Senator Grace Poe na may masampolan sa lumabag ng SIM Registration Law.

Kaugnay rito ay hinimok ni Poe ang mga awtoridad na arestuhin at ikulong ang mga text scammer para mabawasan ang tumataas na kaso ng cybercrime.

Ipinunto ni Poe na nasa awtoridad ang responsibilidad ng maayos na pagpatutupad ng naturang batas kaya kung may matibay na ebidensiya laban sa mga nahuli na lumabag sa batas ay dapat nang masampolan.

Kabilang sa mga paglabag na ito ang fake registration ng SIM, at pagbebenta ng pre-registered na SIM.

Si Poe ang pangunahing may-akda ng RA 11934 o ang SIM Registration Act.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble