IDINIIN ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa isinagawang public hearing ng Senate Committee on Public Works ngayong Martes, May 16 ang pakikipagtulungan sa local government units (LGUs) upang mapaigting ang infrastructure development.
Si Revilla na siyang chairperson ng Senate Committee on Public Works ay pinangunahan ang deliberasyon sa mahahalagang local bills na magiging daan tungo sa road conversion, renaming of roads, at pagbubuo ng district engineering offices sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Idinagdag pa ni Revilla na ang road conversion ay malaking tulong sa pag-unlad ng isang LGU tungo sa kanilang ekonomiya dahil sa bibilis ang serbisyo.
Kaugnay nito ay ipinasa ng komite ang batas na magko-convert sa ilang kalsada sa lalawigan ng Romblon na maging national roads.
Tinalakay rin ng naturang komite ang ilang batas na naglalayong palitan ang pangalan ng Agham Road sa Quezon City na maging Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue bilang pagbibigay-pugay sa husay nito bilang isang mambabatas.