HINAMON ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. si bagong Philippine National Police (PNP) chief Major Gen. Benjamin C. Acorda, Jr. na linisin ang kanilang organisasyon.
Ayon kay Sen. Revilla, kailangan nang ibalik ang tiwala ng publiko sa pulisya.
Partikular na tinutukoy ng senador ay ang natalakay sa Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs kung saan maraming pulis ang nasasangkot sa mga patayan sa Negros Oriental at assassination ni Gov. Roel Degamo.
Maging ang umano’y cover-up sa P6.7-B drug operation noong 2022 at ang pagkaaaresto kay Police Officer PMSgt. Rodolfo Mayo, Jr.
Saad ni Revilla, ang PNP ang tinatakbuhan ng mga Pilipino para sa peace and order kaya mahalagang malinis ang naturang institusyon.
Binigyang-diin pa ng senador na mangyayari lamang ito kung may transparency at accountability sa PNP at panagutin ang lahat ng dapat managot.