NAKIISA si Senator Robinhood “Robin” C. Padilla sa pagbigay-pugay sa kababaihan sa International Women’s Day.
Sa isang pahayag, iginiit ni Padilla ang pagpapahalaga ng Islam at ng mga Muslim sa kababaihan sa pamamagitan ng karapatan sa edukasyon at hindi pagpilit sa Muslim na babae na pakasalan ang hindi nila mahal.
Sinabi rin ni Robin na sa Islam ay pinapayagan din ang diborsiyo na aniya ay proteksiyon ng mga kababaihan laban sa mga lalaking iresponsable.
Ipinunto ni Padilla na mahal ng Islam ang kababaihan kung saan itinuturo ang pagbibigay-proteksiyon sa kanila, kabilang na ang mga balo.