Sen. Robin, nangakong isusulong ang karapatan ng katutubong Pilipino sa ancestral domain

Sen. Robin, nangakong isusulong ang karapatan ng katutubong Pilipino sa ancestral domain

SA Pambansang Araw ng mga katutubo, nangako si Senator Robinhood Padilla sa mga katutubong Pilipino na kaniyang pro-protektahan ang karapatan nila sa kanilang ancestral domain.

Ginawa ni Padilla ang pangako sa pagbubukas ng eksibit tungkol sa hinabing salaysay ng mga katutubo, kung saan nakiisa at nagbigay-pugay siya sa mga katutubong Pilipino.

Tampok sa eksibit ang likhang textile at tela ng mga kultural na pamayanan kasama ang Tuwali, Ifugao, Tingguian (Itneg), Ikalinga, Hanunuo, Mangyan, Yakan, Higaonon, Mandaya, Bagobo Manobo, Blaan, IMaguindanaon, Meranaw at Tausug.

Nakilahok sa eksibit sina Senators Legarda, Sherwin Gatchalian, Sonny Angara, Bong Go, at Cynthia Villar.

Naroon din sina Rep. Lani Mercado; Science Secretary Renato Solidum Jr.; Rebecca Licayen ng mga Tboli; Julius Leano Jr. ng DOST Philippine Textile Research Institute; ang asawa ni Padilla na si Mariel; at iba pang kilalang personalidad tulad nina Tim Yap, Niña Corpuz, Gladys Reyes, Juancho Trivino, Joyce Pring-Trivino, at Karla Estrada.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble