NILINAW ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi nangangailangan ng travel authority si Sen. Robin Padilla sa kaniyang pagbiyahe sa The Hague, Netherlands, dahil ito ay isang pribadong paglalakbay.
Ayon kay Escudero, matagal nang pinapayagan sa Senado na hindi na kailangan ng travel authority (T.A.) para sa mga pribadong biyahe ng mga senador, alinsunod sa naging patakaran noon ni dating Senate President Franklin Drilon.
Dagdag pa niya, ang T.A. ay kailangan lamang kung ang biyahe ay opisyal, upang ma-exempt ang opisyal sa pagbabayad ng travel tax at para magamit ang diplomatic passport.
Dahil personal na biyahe ang ginawa ni Padilla, inaasahan na ginamit nito ang kaniyang private passport sa pagpunta sa The Hague.
Follow SMNI News on Rumble