INAMIN ni Senador Robin Padilla na tuliro siya sa kasikatan ng Korean-made shows sa mga Pinoy.
Ayon kay Padilla, na naguguluhan siya dahil mas pogi naman ang mga Pinoy kaysa sa mga taga-South Korea.
Samantala tinanong ni Padilla si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Tirso Cruz III tungkol sa pagkahumaling ng mga Pilipino sa mga Koreano sa pagdinig ng Senado para sa 2023 budget ng FDCP.
Binigyang-diin ni Cruz na mas magaling ang mga Pilipino pagdating sa larangan ng pelikula at sa pag-arte.
At mas maraming artistang Pilipino ang magaling.
Aniya napag-iwanan lang nang konti sa teknolohiya at sa paghahanda para pumantay sa kanila.