PINAHALAGAHAN ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang matatag at malalim na ugnayan ng Pilipinas at ng Czech Republic, at umaasa siyang patuloy na lalago ang pagkakaibigan na ito.
Ani Padilla, na bumisita ito sa Czech Republic upang masdan ang pag-regulate ng medical cannabis, bagama’t nagsimula ang diplomatic ties noong Oktubre 5, 1973, ang pagkakaibigan nila ay nagsimula noon pang ika-19 siglo.
“The Philippines commits to further deepening its relationship by fostering economic cooperation, cultural exchanges, and strategic partnerships with the Czech Republic,” ani Padilla sa Senate Resolution 1068, “expressing the sense of the Senate” na kinikilala ang malalim at matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa. Ihinain ni Padilla ang resolusyon nitong Lunes.
Ani Padilla, sa Litoměřice – isang bayan na noo’y bahagi ng Austria at Czechoslovakia – na nagsimula ang pagkakaibigan ng pambansang bayani Dr. Jose Rizal at ang schoolmaster na si Ferdinand Blumentritt.
Dagdag niya, malaki ang naiambag ni Blumentritt sa rebolusyon ng Pilipino laban sa mga Kastila, sa pamamagitan ng paghikayat at pag-ambag ng pera para sa paglathala ng “Noli Me Tangere” ni Rizal, na naging mitsa ng kilusan ng mga Pilipino tungo sa kalayaan.
“For over 50 years, the relationship between the Filipinos and the Czechs has only grown stronger and went beyond the recorded ties between two historical figures,” ani Padilla.
Iginiit din ni Padilla na may 7,026 Pilipino sa Czech Republic na nagtra-trabaho sa processing industry, automotive, repair of appliances, manufacturing, IT communications, real estate, health or wellness, at household service work.
Noong state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Czech Republic noong Marso, naging saksi ang pinuno ng dalawang bansa ang paglagda ng joint communique para sa labor consultation mechanism; at paglagda ng memorandums of understanding ng malalaking negosyante ng dalawang bansa para isulong ang kalakalan at pamumuhunan.