Sen. Robinhood Padilla, hinirang bilang acting Executive Vice President ng PDP-Laban

Sen. Robinhood Padilla, hinirang bilang acting Executive Vice President ng PDP-Laban

HINIRANG ng partido PDP-Laban si Sen. Robinhood Padilla bilang kanilang acting Executive Vice President.

Papalitan ni Padilla sa pwesto si Civil Service Commission Chairman Karlo Alexei Nograles na iniwan ang posisyon matapos ma-appoint.

Ayon sa National Executive Council (NEC) ng PDP-Laban na pinangungunahan ni Party Chairman at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, inilagay nila si Padilla sa party position dahil taglay nito ang kaparehas nilang pananaw para sa partido.

Mananatili naman sa posisyon si Padilla hangga’t magkaroon ng eleksyon ang partido.

Batay sa PDP-Laban constitution, bahagi na ng NEC ng partido si Sen. Padilla at maaaring mag-takeover bilang Party President sa oras na lilisan sa posisyon si Party President Alfonso Cusi.

Follow SMNI NEWS in Twitter