HINIHIKAYAT ni Senator Francis “TOL” Tolentino si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ideklara na ang State of National Emergency dahil sa lumalalang epekto ng African swine fever (ASF) sa local swine industry.
Paliwanag ni Tolentino na ang local swine industry ay isa sa mga pinakamalaking livestock subsector at pangalawa sa pinakamalaking contributor sa Philippine agriculture, kasunod ng bigas.
Batay sa datos ng gobyerno, kumalat na sa 54 na probinsiya sa bansa ang ASF.
Sinisi ng grupo ng mga hog grower ang pagkalat ng ASF sa kabiguan ng gobyerno na magtatag ng mga first border facilities.
Binanggit ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na habang nagpatutupad ng mahigpit na inspeksiyon ang DA sa mga local hog raisers, ang mga imported na meat products ay pumapasok sa bansa nang walang tamang inspeksiyon.